"NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM"
May 3, 2024
"NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM"
Isang mapagpalang araw, Minamahal kong Kalayaeños!
Nagsagawa ng routine NIP sa Sitio Magalolon at Barangay Longos nitong nakaraang Mayo 2, 2024.
Ang layunin ng mga bakunanay ay para maprotektahan si baby laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng:
• Measles
• Rubella
• Polio
• Pertussis
• Dipterya
• Hepatitis B
• Tuberculosis
• Meningitis
• tetanus
• H influenza B
• pneumococcal diseases
Hinahangad ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Vice Mayor Christopher Ramiro, Sangguniang Bayan Members at Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan na makumpleto ang bakuna ni baby bago siya mag-isang taong gulang, ayon sa Immunization schedule. Dahil limang bisita lang sa health center bago mag-isang taon si baby, kumpleto na ang bakuna niya.
Siguraduhing walang batang mao-ospital o mamamatay dahil sa sakit na kayang maiwasan sa tulong ng bakuna. Pumunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Kapag Bakuna ay Kumpleto, Lahat Tayo ay Protektado!
Maraming salamat po!
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"