"NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM/ BAKUNAHAN SA BARANGAY SAN JUAN AT MAIN RHU"
Hunyo 03, 2024
"NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM/ BAKUNAHAN SA
BARANGAY SAN JUAN AT MAIN RHU"
Isang mapagpalang araw,manamahal kong Kalayaeños!
Noong nagdaang Mayo, 29 2024 nagdaos ang ating Rhu Kalayaan Laguna sa Barangay San Juan ng Pagtuturok bakuna sa ating mga sanggol ito ay kaugnay pa rin sa programang National Immunization Program.
Hinihikayat ang mga Bakunanay at PapaVaccine! Protektahan si baby laban sa mga vaccine preventable diseases tulad ng mga sumusunod:
• Measles
• Rubella
• Polio
• Pertussis
• Dipterya
• Hepatitis B
• Tuberculosis
• Meningitis
• tetanus
• H influenza B
• pneumococcal diseases
Kumpletuhin ang bakuna ni baby bago siya mag-isang taong gulang, ayon sa Immunization schedule. Limang bisita lang sa health center bago mag-isang taon si baby, kumpleto na ang bakuna niya.
Siguraduhing walang batang mao-ospital o mamamatay dahil sa sakit na kayang maiwasan sa tulong ng bakuna. Pumunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Kapag Bakuna ay Kumpleto, Lahat Tayo ay Protektado!
Kaya patuluy ang suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang gaya nito.
Maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"