NEWS
  • 23 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

NUTRITION MONTH | FEEDING PROGRAM

HULYO 19, 2024

NUTRITION MONTH | FEEDING PROGRAM

Isang mapag palang araw minamahal kong Kalayaeño!

Ngayung araw pinangunahan ng ating Municipal Nutrition Office ang isang feeding program sa pangangasiwa ng ating MNO Cecilia Flores at kanyang mga kasamahan at bilang kinatawan ng inyong lingkod nagtungo ang ating Sectoral Office/EA ll Angelito Presoris upang ipahatid ang ating mensahe at pagbati.

Ang programang ito ay ating isinagawa kasabay ng ating pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon at ang pangunahing layunin ng programang ito ay upang mabawasan ang mga batang may mabababang timbang sa ating bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkaing may sapat ng nutrisyon na kinakailangan ng ating mga kabataan.

Hanggad ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayang Members sa Pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ang mas malusog na kabataan para sa Bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan