NEWS
  • 18 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"OPERATION TULI 2024" Barangay San Juan | Longos

Hunyo 14, 2023

"OPERATION TULI 2024"

Barangay San Juan | Longos

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Buong kagalakang ibinabalita ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan at Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan na kahapon ika-13 ng Hunyo naganap ang Operation Tuli para sa mga kabataan ng Barangay San Juan at longos at ito ay isinagawa sa ating Rural Health Center sa pangangasiwa ng ating Municipal Doctor, Dra Rica Paraiso Pamatmat katuwang ang kanyang mga kasamahan.

Mahalaga na mapagdaanan ito ng ating mga kabataang lalaki upang ng sa gayon ay maiwasan nila ang tyansa ng pagkakaroon ng penile cancer, sapagkat ayon sa mga eksperto kung hindi matatanggal ang foreskin sa ari ng lalaki ay maari itong pamahayan o pag-ipunan ng mga bakterya o libag na maaaring maging sanhi ng impeksyon.

Maraming, salamat po!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan