"ORALLY FIT PROGRAM"
SEPTEMBER 25, 2024
"ORALLY FIT PROGRAM"
Barangay San Juan | Longos | San Antonio | Sitio Kalayaan| Sitio Lunao | Sitio Magalolon Daycare Center
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Nag karoon ang tanggapan ng pambungangang kalusugan ng orally fit program sa ating Bayan as pangunguna ng ating Pambayang Dentista Dra. Janette Flores ito ay upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng bibig ng ating mga kabataan.
Narito ang mga serbisyong napapaloob sa programa:
Pagbibigay ng Oral Health Lecture
Flouride Varnish Application
Distribution of Toothbrush and Toothpaste
Supplemental Feeding
Ang Oral Health ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan at kalidad ng buhay.
Ang mga sakit sa ngipin ay maaaring humantong sa mga problema sa pagkain, pagtulog, pagsasalita, at pag-aaral sa mga kabataan na nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan nila sa lipunan at paaralan, pangkalahatang kalusugan, at kalidad ng buhay.
Ang mga nabubulok na ngipin sa mga bata ay nakakaapekto sa pangkalahatang nutrisyon na kinakailangan para sa paglaki ng katawan, partikular na sa timbang at tangkad. Nagsisimula ito sa
pagkagat at sa maayos na pagnguya ng pagkain.
Layunin ng programang ito na:
Itaas ang kamalayan ng mga magulang at mga bata tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng ngipin.
Magbigay ng tamang impormasyon at kasanayan sa pangangalaga ng ngipin.
Mag-udyok sa mga bata na magkaroon ng magandang gawi sa pag-aalaga ng kanilang ngipin.
Hikayatin ang malusog na gawi sa pagkain at kalinisan.
Patuloy ang pag supprta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan.
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"