NEWS
  • 28 Sep, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Orientation on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children to Out-of- School Youth.

Setyembre 21, 2023

Mabuhay at maka-kabataang araw!

TIGNAN l Mga kuhang larawan kahapon, Setyembre 20, 2023- Orientation on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children to Out-of- School Youth.

Ang seksyon ng Pagpapaunlad sa Kabataan sa ilalim ng Tanggapan ng Punong Bayan na pinangangasiwaan ni G. Herben C. Dela Paz, Designated LYDO ay nagbigay ng technical assistance at naging kabahagi ng programang nabanggit sa itaas.

Ang aktibidad po na ito ay mula sa Provincial Social Welfare & Development Office handog po sa ating bayan ng ating Mahal na Gobernador, Kgg. Ramil L. Hernandez. Kasama po ang ating Punong Bayan, Kgg. Sandy P. Laganapan, Vice Mayor Christopher P. Ramiro at Kgg. Sangg. Bayan members, ang ating Pambayang Administrador, Bb. Kris Anne L. Pesigan at ang MSWDO sa pamumuno ni Bb. Aime Magana ay ang pasasalamat sa paglalahad ng bagama't sensitibo ay lubod na makakatulong sa pagkakaroon ng kaalaman ng mga kabataan ng bayan ng Kalayaan.

Salamat po lalo at higit sa resource person, Bb. Karen Mae Sofia mula sa ECPAT Phils.

#kalayaanlydo2023

#kabataangkalayaeño

#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'

#OneKalayaan