NEWS
  • 15 Jul, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

PAGBABAHAGI NG LEARNER'S KIT

HULYO 14, 2022

PAGBABAHAGI NG LEARNER'S KIT

Mapagpalang Araw, Bayan ng Kalayaan!

Bilang ating pakikiisa sa Unang Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Samahan ng Kwentuhan Series- Kalayaan, ang inyong lingkod ay naglaan ng 100 pirasong learner's kits na ipamimigay sa mga kabataan. Layunin ng samahan na mas pag-inugin pa ang kaalaman ng mga kabataan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Hangad ng inyong lingkod, kasama ang buong Pamahalaang Bayan ng Kalayaan na mas mapagbuti ninyo ang inyong hangarin para sa inyong mga nais bigyan ng tulong, dunong at kalaaman. Nawa ang mga bagay na ito ay magamit sa makabuluhang pamamaraan. Narito kami, handang umalalay at tumulong sa abot ng makakayanan para sa kabataan ng ating Bayan ng Kalayaan!

Mabuhay at maraming salamat po!

#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'

#OneKalayaan

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'