NEWS
  • 19 Feb, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

PAGBIBIGAY NG MAINTENANCE SA LAHAT NG HPN-DM (Non-Communicable) PATIENTS AT PAGBIBIGAY DIN NG FLU AT PNEUMOCOCCAL VACCINATION.

February 07, 2024

PAGBIBIGAY NG MAINTENANCE SA LAHAT NG HPN-DM (Non-Communicable) PATIENTS AT PAGBIBIGAY DIN NG FLU AT PNEUMOCOCCAL VACCINATION.

BENEPISYARYO:

-Barangay San Antonio

-Sitio Magalolon

-Barangay Longos

-Barangay San Juan

Isang malusog at mapagpalang araw minamahal kong Kalayaeños!

Nais pong ipabatid ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, Kasama si Vice-Mayor Christopher P. Ramiro at Sangguniang Bayan, Admin. Kris Ann L. Pesigan, at sa maayos na pamamahala ni Dra. Rica P. Pamatmat, na ito ay buwanang isinasagawa ng MHO staff sa iba't-ibang Barangay ng ating bayan, tuwing araw ng Biyernes, ayon sa mga nakasaad na skedyul Dito.

Kung kaya't nakikiusap ako na sundin natin Ang itinakdang skedyul para sa maayos na daloy ng program.

Ang mga serbisyong tulad ng RBS, Mga maintenance na gamot, bitamina, insulin at Konsulta ay libreng ibinibigay ng ating Municipal Health Office sa takdang araw ng konsulta.

Ang programang ito ay naka paloob sa Non- Communicable program ng DOH na kabilang sa 8 -Point Action Agenda at 8 Priority outcomes ng DOH, kung kaya't kaakibat ng programang ito Ang DOH at PHO sa pag bibigay ng karagdagang supplies at technical assistance, sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa mga DMO at mga Program Coordinators at lalo't higit sa CBK Power Company na patuloy Ang suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.

Muli hangad ko lagi Ang inyong mabuting kalusugan, kung kaya't gawin natin ang 7 Healthy Habits, para sa Healthy Pilipinas

1. Move More, Eat Right

2. Be Clean, Live Sustainably

3. Get Vaccinated

4. Don't Smoke, Avoid Alcohol, Say no to Drugs

5. Care for Yourself, Care for Others

6. Practice Safe Sex

7. Do No Harm, Put Safety First.

Na lahat pong ito at pinag susumikapan ng inyong lingkod na maipadama sa Inyo Ang mga kailangan serbisyong pang kalusugan.

Dahil Ang may malusog na mamamayan ay may prodaktibong katawan tungo sa maunlad na pamayanan.

Kung kaya't disiplina ng bawat Kalayaeños Ang kailangan para sa maunlad na Kalayaan.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayangvmay Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan