NEWS
  • 03 Nov, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Pagbibigay ng munting regalo para sa mga Guro kaugnay sa pagdiriwang ng 'Teacher's Month Celebration'

November 3, 2021

Magandang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng 'Teacher's Month Celebration' ay nagbigay ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna na inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan ng regalo para sa ating mga magigiting na guro sa buong bayan ng Kalayaan.

Sa pamamagitan ng ating Pambayang Administrador Kris Anne L. Pesigan at sectoral officer, Mr. Angelito Q. Presoris inihatid ang munting regalong ito sa San Juan Central Elementary School at tinanggap ng Kalayaan Supervisor na si Dr. Bernon Abellera kasama ang ibang mga guro.

Sa aming mga guro, kayo ay tunay na bayani. Bagamat may kinakaharap na trahedya ay nariyan kayo at handang magbigay ng sandaang porsyentong dedikasyon para sa ating mga kabataan. Mabuhay ka, aming guro!

Maraming Salamat po!