"TURNOVER AND WELCOME PROGRAM FOR THE NEW PSDS OF KALAYAAN DR. FLORA BHEL MANALO"
Hulyo 24, 2024
"TURNOVER AND WELCOME PROGRAM FOR THE NEW PSDS OF KALAYAAN DR. FLORA BHEL MANALO"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeño!
Bago ang pagbubukas ng panibagong panuruang taon bilang kinatawan ng inyong lingkod dumalo si Sectoral Officer Angelito Presoris sa mainit na pagtanggap sa ating bagong Public School District Supervisor na si DR. Flora Bhel Manalo kasama ang ating mga masisipag na punong guro, mga guro, SPTA, at mga miyembro ng drum and lyre ng Longos Elementary School. Lubos ang paghanga ng inyong lingkod sapagkat kahit na hindi naging maganda ang lagay ng panahon ngayung araw hindi ito naging hadlang sa kanya upang makarating sa ating munting bayan.
Para sa ating dating Public School District Supervisor na si Dr. Bernon Abellera lubos ang pasasalamat ng Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at lalong higit na nagpapasalamat ang mga punungguro, mga guro, at bawat studyate sa iyong dedikasyon at di matatawarang serbisyo, hinding hindi namin makakalikutan ang iyong malaking kontribusyon pag dating sa pagpapataas sa kalidad ng edukasyon para sa mga mag aaral ng Bayan ng Kalayaan. Nawa ay baunin mo sa iyong bagong tahanan ang aming pagmamahal at suporta na amin ring naramdaman mula sa iyo. Mahal ka ng Bayan ng Kalayaan!
Patuloy ang suporta ng inyong Lingkod at lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa pagbibigay suporta para sa mataas na kalidad ng edukasyon sa ating Bayan.
Maraming salamat po!
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"