"PAGKILALA SA KAGALINGAN NG SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA BAYAN NG KALAYAAN"
Hulyo 16,2024
"PAGKILALA SA KAGALINGAN NG SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA BAYAN NG KALAYAAN"
Isang mapagpalang araw minamahal kong Kalayaeños!
Ang pagdaraos ng Lingguhang pag tataas ng bandila ay ang unang gawain, una bilang pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa ating bansa. Pangalawa ay upang maipahayag ng bawat tanggapan ang kanilang mga anunsyo at mga programa.
At sa pagkakataong ito ay ang pagpapahayag ng Tanggapan ng Pangkalusugan ng kanilang mga natanggap na karangalan mula sa Pamahalaang Panglalawigan bilang pag kilala sa kahusayan at kasipagan sa pag lilingkod sa ating bayan.
Kung kaya't ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro, SB on Health Darwin Ponce at buong Sangguniang Bayan, sa tulong ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay buo ang suporta sa Municipal Health Office, sa pamumuno ni Dr. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat at kanyang mga kasamahan, sa pag papatupad ng mga programang pangkalusugan.
Ito ay ating nakamit dahil sa sipag, dedikasyon at pagkakaisa mula sa mga namumuno hanggang sa mga empleyado ng ating bayan at upang ng sagayun ay ating nakamit at mas mapaunalad pa ang kalusugan ng bawat Kalayaeño dahil ang bayan bayang malusog ay bayang maunlad.
Espesyal na pasalamat sa ating Gov. Ramil L. Hernandez sa pagkilalang aming nakamit.
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"