NEWS
  • 22 Feb, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"PAGKILALA SA NATATANGING KONTRIBUSYON PANATA KO SA BAYAN AWARDS 2023"

February 20, 2024

"PAGKILALA SA NATATANGING KONTRIBUSYON

PANATA KO SA BAYAN AWARDS 2023"

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Sa sipag at dedikasyon sa paglilingkuran at pagpapatupad ng mga programa ang Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapa-unlad Panlipunan sa pamumuno ni MSWDO Aime Magana ay tumanggap ng pagkilala mula sa DSWD Region IV-A sa ginanap na 73rd DSWD Anniversary Celebration noong ika-15 ng Pebrero 2024.

Ang Karangalan na ating natanggap ay "Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan(PaNata Ko sa Bayan) Award. Isa ang Bayan ng Kalayaan sa siyam(9) na mapapalad na maparangalan sa Lalawigan ng Laguna.

Taos pusong pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro at bumubuo ng Sangguniang Bayan Members at ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa Tanggapan ng Mswdo Kalayaan Laguna sa inyong natatanging kagalingan,kasipagan at dedikasyon para sa paglilingkuran.

Maraming salamat po.

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan