NEWS
  • 10 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"PAGPAPARANGAL SA KAGITINGAN NG MGA BETERANO:SALIGAN PARA SA NAGKAKAISANG PILIPINO"

April 09, 2024

IKA-82 ARAW NG KAGITINGAN

"PAGPAPARANGAL SA KAGITINGAN NG MGA BETERANO:SALIGAN PARA SA NAGKAKAISANG PILIPINO"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ay isang pagtalima sa Pilipinas kung saan ginugunitabang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Mahalaga po na ito ay ating gunitain sapagkat sa ang ating mga kababayang pilipino, upang iligtas ang Pilipinas laban sa mga mananakop na Hapon ay inilaan at ibigay ang kanilang buhay sa bansa. Kasabay rin nito ay ang Philippines Veterans Week kung saan ito naman ay ginugunita upang itaguyod,pangalagaan at alalahanin ang mga prinsipyo,mithiin at gawa ng beterano ng digmaang Pilipino bilang isang paraan upang mapahusay ang pagkamakabayan at pagmamahal sa bayan.

Kaya muli, isang pagsaludo para sa lahat ng magigiting ng bayani at beterano ng ating bansa.Ang inyong mithiin pangalagaan at protektahan ang Pilipinas maging buhay niyo man ang naging kapalit at hindi matawaran at hindi matumbasan. Mabuhay po kayo!

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan