NEWS
  • 23 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Pagpupulong kasama ang ating mga Stakeholders, may-ari ng Small and Medium Size Enterprise, Business Establishments, Resorts Owner at mga kababayang may maliit/malaking tindahan.

May 17, 2023

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan pinangunahan ng Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangunguna ng ating Sectoral Officer Angelito Presoris ang isang pagpupulong kasama ang ating mga stakeholders, may-ari ng small and medium size enterprise, business establishments, resorts owner at mga kababayang may maliit/malaking tindahan. Ilan lamang sa mga tinalakay ay ang mga programa ng DTI Kalayaan Negosyo Center gaya ng Pasalubong Center, Diskwento Caravan at Small Business Corporation Loan.

Ang mga programang ito ng DTI ay lubos na makatutulong sa ating mga kabarangay na ma-manage ng maayos ang kanilang mga negosyo, ma-sustain ang produksyon ng kanilang mga produkto at magkaroon ng karagdagang puhunan para sa tuloy-tuloy na pagnenegosyo.

Patuloy ang pangangalap natin ng mga programang makapag papaunlad ng kabuhayan para sa ating mga kababayang Kalayaeños.

Muli!Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit"

#OneKalayaan