NEWS
  • 07 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Pagtanggap ng Certificate of Appreciation mula sa DSWD Regional Office

May 7, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Sa atas ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, malugod pong tinanggap ni Sectoral Officer / EA ll G. Angelito Presoris kahapon Mayo 6, 2024 ang isang Certificate of Appreciation mula sa DSWD Regional Office. Ang pagkilalang ito ay iginawad sa ating bayan dahil sa ating palagiang pagsuporta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at sa mga serbisyo nito na patuloy na nakapagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo nito.

Sa mga programang ito, katuwang po ng Tanggapang ng Punongbayan ang Mswdo Kalayaan Laguna sa pangunguna ni Gng. Aime Magana, DSWD Project Develpoment Officer II/Municipal Link Bb. Laarni Francisco Villanueva at ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna.

Patuloy po ang supporta ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Gng. Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang ito.

Maraming salamat po!

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan