PAGTANGGAP NG GAWAD NG PAGKILALA PARA SA BAYAN NG KALAYAAN
Hulyo 19, 2022
PAGTANGGAP NG GAWAD NG PAGKILALA PARA SA BAYAN NG KALAYAAN
Mapagpalang araw, Bayan ng Kalayaan!
Ngayong araw ay ating personal na tinanggap ang Gawad ng Pagkilala para sa ating Bayan pagdating sa kalikasan. Tayo ay nagawaran ng PLAQUE OF RECOGNITION bilang 'Exemplary Practice in Materials Recovery Facility Operations' sa naganap na 'ECOLOGICAL SWM IEC SUMMIT 2022' ng Department of Environment and Natural Resources.
Gayundin ay kinilala si Gng. Reinelsa B. Corpuz ng MENRO sa kanyang galing at patuloy na pag-implementa ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act for a balanced and healthy municipality.
Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pagbibigay ng pagkilala sa aming bayan. Makakaasa po kayong patuloy naming ibibigay ang nararapat para sa aming bayan lalo at higit pagdating sa kalikasan.
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"