NEWS
  • 03 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

PAGTATAPOS 2024 | SITIO MAGALOLON CHILD DEVELOPMENT CENTER "GALING AY PAGYAMANIN, KINABUKASAN AY TIYAKIN"

Hunyo 03, 2024

PAGTATAPOS 2024 | SITIO MAGALOLON CHILD DEVELOPMENT CENTER

"GALING AY PAGYAMANIN, KINABUKASAN AY TIYAKIN"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños

Maligayang pagbati mula sa inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan At ng Pamahalang Lokal ng Kalayaan kasama ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa lahat ng kabataang nagsipagtapos sa taong panuruan 2023-2024 sa Sitio Magalolon Child Development Center. Lubos ang aming kagalakan sa inyong nakamit na tagumpay at pagpupunyagi sa larangan ng edukasyon.

Ang inyong pagtatapos ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas magandang hinaharap. Nawa ay Patuloy kayong mag-aral, upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap, at mas paglawakin pa ninyon ang inyong kakayahan.

Kung kaya't personal na inatasan ng inyong lingkod na magtungo ang ating EA ll / Sectoral Officer Angelito Presoris upang dumalo sa sermonyang ito. Taos puso ang pasasalamat ng inyong lingkod sa ating MSWDO Aime Magana, mga guro at mga magulang.

Congratulations Batch 2023-2024.

Maraming salamat po!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan