NEWS
  • 24 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Pagtatapos sa Pagsasanay ng CBK-TESDA Technical Training in Dressmaking NCII at Electrical Installation and Maintenance NCII na ginanap sa CBK Power Company Limited Inc.

August 11, 2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw, ay ginanap ang Pagtatapos sa Pagsasanay ng CBK-TESDA Technical Training in Dressmaking NCII at Electrical Installation and Maintenance NCII na ginanap sa CBK Power Company Limited Inc. at bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ay dinaluhan ito ni G. Angelito Presoris EA-II/Sectoral Officer bilang Guest Speaker sa nasabing programa.

Patuloy tayong nagpapasalamat sa pamunuan ng CBK Power Company Limited Inc. sa palagiang pagpili sa ating bayan upang maging benepisyaryo ng kanilang mga programa. Gayundin naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na naging daan upang maipaabot ang mga pagsasanay na ito sa ating mga kababayan.

Muli,maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan