NEWS
  • 17 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

PALARUAN PARA SA MGA BATANG KALAYAEÑOS

Hulyo 17,2023

PALARUAN PARA SA MGA BATANG KALAYAEÑOS

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw na ito atin pong isinagawa ang Ribbon Cutting Ceremony para sa pormal na pagbubukas ng bagong PALARUAN para sa mga batang Kalayaeños.

Paraan ito ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan upang maipadama ang pagmamahal at pagkalinga ng isang ama ng Bayan ng Kalayaan,Gayundin upang maiparanas ang saya na kaylanman ay hindi malilimutan ng mga batang kalayaeños.

Patuloy lng ang buong-pusong serbisyong may malasakit para sa mamamayan at sa ating bayan.

Ang pangarap na ito ay nabigyan katuparan sa pagtutulungan ng inyong minamahal na lingkod Mayor Sandy Laganapan,Vice Mayor Christopher Ramiro Sangguniang Bayan at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.

Hangad namin na ang programang ito ay makapagbigay ng ligaya lalong-lalo na sa mga batang Kalayaeños.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan