NEWS
  • 08 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Pamamahagi ng libreng abono at Bio-N sa ilalim ng programang Fertilizer Distribution Voucher (FDV) mula sa DA-RFO 4A

Hulyo 28, 2023 Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños! Isang makabuluhang araw ang muling naganap matapos maghandog ng Pamamahagi ng libreng abono at Bio-N sa ilalim ng programang Fertilizer Distribution Voucher (FDV) mula sa DA-RFO 4A para sa ating magigiting na mga magsasaka na naka-enroll sa Registry System for Basic Sector's in Agriculture (RSBA). Ang pagpapahalaga ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan para sa ating mga magsasaka ay katulad rin ng pagpapahalaga sa ating bayan.Gayundin,ang patuloy na pagsuporta ng inyong lingkod tungo sa magandang kinabukasan ng ating mga mamamayang magsasaka lalo na sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga ito. Naisakatuparan ang programang ito sa pangunguna ng ating Municipal Agriculturist Gng. Liza Laitan Yee katuwang ang ating Executive Assistant II/Sectoral Section Kalayaan Laguna Sectoral Officer Angelito Presoris Muli,maraming salamat! #SPL"Serbisyo Para sa Lahat" "Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit" #OneKalayaan