NEWS
  • 10 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Pamamahagi ng libreng binhi (RC-218) mula sa PhilRice sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)

May 09,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Pamamahagi ng libreng binhi (RC-218) mula sa PhilRice sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Tunay nga na isa sa pinagkukunan ng yaman ng ating bayan ay mula sektor ng Agrikultura. Ito ay isa sa prayoridad ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kung kaya't marapat lamang na ito ay ating bigyang pansin at pagtulungan paunlarin para sa tuloy tuloy na kaunlaran ng ating bayan.

Pasasalamat sa ating Municipal Agriculturist , Gng. Liza Laitan Yee na walang sawang pakikipag-ugnayan sa Philmec para sa patuloy na makapagbigay ng kapakipakinabangan na serbisyo para sa ating bayan. Gayundin sa ating EA-II/Sectoral Officer Angelito Presoris bilang kinatawan ng inyong lingkod.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan