NEWS
  • 10 Jan, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"PAMAMAHAGI NG MGA BANGKANG DE MOTOR AT LAMBAT PARA SA SAMAHAN NG MANGINGISDA NG SITIO MAGALOLON"

January 08, 2023

"PAMAMAHAGI NG MGA BANGKANG DE MOTOR AT LAMBAT PARA SA SAMAHAN NG MANGINGISDA NG SITIO MAGALOLON"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa dedikasyon ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro katuwang ang Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangunguna ni EA-II/Sectoral Officer Angelito Presoris ay nagsagawa tayo ng pamamahagi ng mga bangkang de motor at mga lambat para sa Samahan ng mangingisda ng Sitio Magalolon. Ang programang ito ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng ating katuwang na Giga Wind1 Inc. isang kumpanyang kilala sa paghahasa ng renewable energy.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng karagdagang kita ang ating mga mangingisda at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay patungo sa pag-unlad ng pamayanan.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan