NEWS
  • 03 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Pamamahagi ng Organic Fertilizer programa sa ilalim ng High Value Crops Development Program ng Kagawaran ng Agrikultura.

May 3, 2023

Mapagpalang araw mga Ka-Sektoral!

Ngayong araw po ay nakiisa ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna sa isinagawang pamamahagi ng Organic Fertilizer para sa mga tanim na gulay, cacao at kape sa mga samahan ng Magsasaka at Maggugulay sa Brgy San Antonio. Ito po ay sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamamagitan ng programa sa ilalim ng High Value Crops Development Program ng Kagawaran ng Agrikultura.

Ang programa ito ay handog ng ating butihing Mayor Sandy P. Laganapan, katuwang ang Pambayang Agrikultor Liza Yee upang matiyak ang mas mataas na produksyon ng mga aning gulay, kasiguraduhan sa pagkain at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka.

Patuloy po ang ating pasasalamat sa butihing Mayor Sandy P. Laganapan, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan-Pesigan sa palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programa para sa ating mga kababayan.

Narito po lagi ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna upang tumulong na maihatid sa ating mga samahan ang mga programa ng ating Pamahalaang Bayan. Umasa po kayo sa patuloy na:

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan