NEWS
  • 05 Nov, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM, 'PUGAY TAGUMPAY'

November 4, 2021

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Mapagpalang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay naganap ang 'PUGAY TAGUMPAY', pagkilala sa mga pamilyang nagtapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Gayundin ay naggawad ng sertipiko ng pagkilala sa ating mga 'Parent Leaders'.

Ito ay naisagawa sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan. Gayundin, sa tulong ng ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan, sa ating Sectoral Officer, Mr. Angelito Q. Presoris, PDO II- Municipal Link, Ms. Maria Lizette R. Rabutazo at sa ating OIC ng MSWDO, Ms. Lilli Ann Laganas.

Hangad namin sa programang ito na kayo ay mabigyang ng karagdagang tulong at nawa ay naramdaman ninyo ang ating Serbisyong may Malasakit. Patuloy kayong pagbubuksan at tatanggapin ng ating Tanggapan ng Punong Bayan, handang tumulong, handang umagapay. Maraming Salamat po!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"