NEWS
  • 03 Jan, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Photo Copier Ipinamahagi Sa Mga Guro

Isang Mapagpalang Araw Mahal kong Kakayaeños,

Nuong September 14, 2020 ay pinagkaloob ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng inyong lingkod ang mga Photo Copier na syang higit na makakatulong sa ating mga estudyante, guro at paaralan sa panahon ng pandemya dito sa ating Bayan.

At

Nuong nito lamang pong November 10, 2020 ay pinagkaloob naman po ang dalawang laptop na syang magagamit ng mga guro sa pag-update ng mga dokumento o pag-attend sa mga online meeting na syang ginagamit nilang komunikasyon upang madagdagan ang kaalaman sa kasalukuyang pamamaraan ng paghahatid edukasyon sa mga mag-aaral ng bayan ng Kalayaan.

Ang pondo po na ginamit dito ay nagmula sa "Special Education Fund" layunin po ng inyong lingkod na magamit ito sa higit na makakatulong ngayong panahon ng pandemya sa ating mga mag-aaral at guro.

Lubos po ang suporta ng ating Pamahalaang Bayan upang maibigay ang tamang edukasyon para sa ating mga mag-aaral. Malaking pagbabago man ang kinakaharap ng ating mga estudyante, guro at magulang, lagi nyo po tatandaan na katuwang nyo po kami sa pagbabagong ito.

Maraming salamat po at ingat po ang lahat.

#OneKALAYAAN

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"