"PRE-MARRIAGE COUNSELLING AND RESPONSIBLE PARENTHOOD"
MAY 10, 2024
"PRE-MARRIAGE COUNSELLING AND RESPONSIBLE PARENTHOOD"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Noong nakaraang Mayo 8, 2024 nagsagawa ang ating Rhu Kalayaan Laguna sa Pangangasiwa ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat ng Pre-marriage Counselling and Responsible Parenthood sa ating bayan.
Ito ay isang proseso ng pagbibigay ng gabay at pagtuturo sa mga magiging mag-asawa bago sila ikasal upang matulungan silang maunawaan ang mga hamon at responsibilidad ng pagiging kasal at pamilya.
Sa pamamagitan ng pagsasanay bago magpakasal, inaasahang mapalakas ang pundasyon ng relasyon ng mag-asawa at maipaghanda sila sa mga hamon at kasiyahan ng pagiging kasal at pamilya. Tinalakay dito ang mga sumusunod:
1. Family Planning : Pagpaplano ng bilang at pagitan ng mga anak batay sa kakayahan at kagustuhan ng pamilya.
2. Edukasyon : Pagbibigay ng sapat na kaalaman at edukasyon tungkol sa kalusugan ng reproduktibo, mga paraan ng family planning, at mga praktis sa responsableng pagiging magulang.
3. Kalusugan ng Ina at Anak: Pagkakaroon ng access sa maternal care services, kabilang ang prenatal at postnatal care, upang mapanatili ang kalusugan at kagalingan ng mga ina at kanilang mga anak.
4. Pantay na Kasarian: Pagtataguyod ng pantay na kasarian at pagpapalakas sa mga kababaihan upang makapamili ng maayos tungkol sa kanilang kalusugan ng reproduktibo at mga opsyon sa family planning.
5. Suporta ng Komunidad: Pagpapalakas ng mga suportadong komunidad na nakakakilala at nagbibigay-pugay sa mga karapatan ng mga indibidwal at mag-asawa na magpasya tungkol sa kanilang kalusugan ng reproduktibo at sukat ng pamilya nang walang diskriminasyon o pananakot.
Patuloy ang Pagsuporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sanguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang ikauunalad at ikaaayos ng bawat pamilyang Kalayaeños.
Maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat