NEWS
  • 17 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

PRENATAL CHECK-UP SA BHS NG SAN ANTONIO

APRIL 17, 2024

"PRENATAL CHECK-UP SA BHS NG SAN ANTONIO🀰🀱"

Isang mapagpalang umaga,minamahal kong KalayaeΕ„os!

πŸ‘©πŸΌβ€βš•οΈMahalaga ang antenatal/prenatal care para sa mga buntis! Ang mga antenatal/prenatal visits kasama ang inyong health workers makakatulong sa ating mga mommy na iwasan ang

β€Όkomplikasyon ng pagbubuntis para kay mommy at baby, na dala ng malnutrisyon dahil kulang sa pagkain at micronutrient supplementation,

β€Όhindi maliwanag na birth plan--o plano kung paano at saan manganganak pagdating ng kabuwanan ni mommy,

β€Όpagkukulang sa bakuna, at

β€Όkawalan ng gabay at impormasyon sa family planning para maayos na maka-recover ang katawan ni mommy mula sa pagbubuntis.

Tuloy-tuloy na nating makakamtan at masasaksihan ang pag-unlad ng "Serbisyong Pangkalusugan" sa ating bayan. Dahil hangad ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan na mapabuti ang kalagayan ng bawat isa.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan