NEWS
  • 16 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Pride of Kalayaan: Monica Acuno, Binibining Pilipinas Candidate

Mayo 13, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeño!

Ngayong araw ng Lunes matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat, nagtungo sa tanggapan ng Punong Bayan ang ating kandidata para sa Binibining Pilipinas na Si Bb. Monica Acuno na isa sa ipinagmamalaki ng ating Bayan upang magbigay Kortesiya sa inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan gayun din sa Ating Vice Mayor Christopher Ramiro at sa Sangguniang Bayan Members.

Matapos na magbigay kortesiya ang ating Binibini sa inyong lingkod ay pinasamahan naman natin siya upang magbigay kortesiya din sa tanggapan ng ating Gobernador Ramil L. Hernandez.

Nawa ay baunin mo sa iyong laban ang suporta at dasal ng inyong lingkod at bawat isang Kalayaeño na makamit mo ang matamis na tagumpay at maiuwi ang korona.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan