NEWS
  • 25 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Provincial Special Livelihood Office sa pangunguna ni Bb. Nieva Reodica. Layunin ng inyong lingkod Mayor Sandy Lagana

Agosto 24,2023

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Bilang parte sa programa at pagdiriwang ng taunang Linggo ng Kabataan 2023 na nakamandato sa Batas Republika bilang 10742 o kilala rin bilang SK REFORM ACT OF 2015 ay nagsagawa ng Training on non-baked Products ang mga kabataan mula sa tatlong baranggay. Ito ay pinangunahan ng mga manggagawang lokal mula sa Provincial Special Livelihood Office sa pangunguna ni Bb. Nieva Reodica.

Layunin ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ang pagsasanay pangkabuhayan para sa mga kabataan upang magkaroon ng karagdagang kita na maaring makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin at karagdagang kaalaman para sa naisin nilang pagtatayo ng isang maliit na negosyo.

Pasasalamat sa ating Designated LYDO Herben C. Dela Paz sa pagsasagawa ng mga programang ito.Gayundin sa pagsuporta mula sa ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members,at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan