PROVISION OF FOUR WHEEL TRACTOR TO LGU KALAYAAN FROM DA PHILMECH UNDER THE RICE COMPETITIVENESS ENHANCEMENT FUND (RCEF)
February 02, 2024
PROVISION OF FOUR WHEEL TRACTOR TO LGU KALAYAAN FROM DA PHILMECH UNDER THE RICE COMPETITIVENESS ENHANCEMENT FUND (RCEF)
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Sa pamumuno ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Pangalawang Punong-Bayan Christopher Ramiro, Sangguniniang Bayan Members at Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni EA-II/Sectoral Officer Angelito Presoris ay opisyal na isinagawa kahapon ika-01 ng Pebrero 2024 ang pag-turn over ng mga Four Wheel Tractors na ibinaba ng Department of Agriculture- PhilMech para sa Bayan ng Kalayaan.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng makinaryang pansaka ay makakatulong ito upang mapataas ang antas ng pagsusulong ng makabagong teknolohiyang para sa agrikultura at proyektong mekanisasyon ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Lubos ang aking pasasalamat sa ating Municipal Agriculturist Dr. Liza Laitan Yee sa kanyang dedikasyon sa pangunguna ng programang ito.Gayundin kay Engr. GJ Furigay ng PhilMech at sa lahat ng naging kabahagi ng programang ito.
Maraming salamat po.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"