NEWS
  • 17 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

PUSO'Y PROTEKTADO SA KALUSUGANG PANGKALAHATAN PROJECT "WALK WITH KALAYAAN"

Hulyo 17, 2024

PUSO'Y PROTEKTADO SA KALUSUGANG PANGKALAHATAN PROJECT

"WALK WITH KALAYAAN"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong kalayaeño!

Sinimulan nating ang umagang ito sa isang produktibong gawain na Walk with Kalayaan sa pangunguna ng mga studyate sa UP at ating Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat katuwang ang kanyang mga kasamahan. Ang programang ito ay dinaluhan ng ating iba't ibang departamento kasama ang ating 3 Barangay, Sangguniang Kabataan, PDHO at mga mamayan at ito naman ay sinundan ng isang Zumba session na naganap sa harapan ng ating Municipal Building.

Ang pangunahing layunin ng programang ito ay upang maiwasan at mapamahalaan natin ang tumataas na bilang ng nagkakasakit at namamatay dulot ng cardiovascular diseases sa ating bayan.

Malaki ang suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Mambers sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang nangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng bawat isang Kalayaeño.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan