NEWS
  • 30 Nov, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

RAPID DAMAGE ASSESTMENT AND NEEDS ANALYSIS TRAINING (RDANA) IN COOPERATION WITH CBK POWER LIMITED INC.

Nobyembre 29, 2023

RAPID DAMAGE ASSESTMENT AND NEEDS ANALYSIS TRAINING (RDANA)

IN COOPERATION WITH CBK POWER LIMITED INC.

Nobyembre 21-24, 2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Nagsasgawa ng pagsasanay sa Rapid Damage Assesment and Needs Analysis (RDANA) Training ang mga miyembro ng MDRRMC, BFP,PNP,DEPED, NGOs, Barangay San Juan, Barangay Longos at mga ibat-ibang kawani ng Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan.

Ginanap ang nasabing pagsasanay sa 3rd Floor Municipal Building nong ika-21-24 ng Nobyembre 2023.

Sa unang araw nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita ang ating MDRRMO Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz. Ibinahagi din ni Ms. Savana R. Zaide, Course of Monitor mula sa Office of Civil Defense (OCD) Calabarzon ang saklaw ng mga tinalakay sa pagsasanay na nakapaloob sa limang modyul. Nagsilbing Module Instructors sina Mrs. Charmis M. Rivera PDRRMO Laguna at Mr. Edgar P. Pangilinan, STAC.

Layunin ng pagsasanay na matugunan ang mga suliranin tuwing may kalamidad sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon at datus kaugnay sa sakop ng pinsala. Nagsisilbing basehan ito ng mga awtoridad upang magkaroon ng agarang aksyon at pagbibigay tulong sa nangangailangan at nasalanta.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan