NEWS
  • 12 Sep, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"Regional Field Validation For The 23rd GAWAD KALASAG"

Septyembre 7,2023

"Regional Field Validation For The 23rd GAWAD KALASAG"

Isang mapagpalang umaga,minamahal kong Kalayaeños!

Sa ginanap na GAWAD KALASAG Seal for Local DRRM Council and Offices Regional Field Validation kahapon,ipinamalas ng ating Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan sa pangunguna ng ating MDRRMO Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at kanyang mga kasamahan ang husay,dedikasyon at kasipagan pagdating sa Disaster Risk Reduction and Management upang maitaas ang antas ng mga serbisyo at paglilingkod para sa ating bayan, ang Bayan ng Kalayaan.

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at mga Pinunong Tanggapan ay atin pong pagsusumikapan na patuloy na magkakaroon ng maayos at maasahang DRRMC sa ating bayan bilang agarang tugon sa ating mga nasasakupan lalo't higit sa oras ng sakuna.

Muli,kung papalarin na makapasa ngayong taon,ito ang Ikatlong beses na magkakasunod na taon na tatanggap ng parangal ang Bayan ng Kalayaan.

Muli,ang aking pasasalamat sa mga naging validators Engr. Jenny Ann N. Lawas DOST 4A/SRS II, Marigrace M. Merin OCD 4A CDO-III, Romnick P. Bueno OCD 4A/CDO I

Maraming salamat.

"SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan