NEWS
  • 27 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Registry of Barangay Inhabitants and Migrants ( RBIM ) and Local Migration and Information Systems (LMIS)

June 27,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama si Vice-Mayor Christopher P. Ramiro at ang Sangguniang Bayan ay nakikiisa sa Programa ng Commission on Population and Development na dating Population on Commission na mag sagawa ng isang sistema na tutukoy sa pangangailangan ng mga Barangay pag dating sa Inhabitants and Migrants, na maaring maging batayan ng mga pag paplano ng ating LGU.

Kung kaya't buong puso kong susuportahan ang Registry of Barangay Inhabitants and Migrants ( RBIM ) at Local Migration and Information Systems (LMIS), na programa ng DILG sa pangunguna ni Mrs. Ma. Aurora A. Robles at ng CPD na kinatawan nina Ms. Manuelita Dela Cruz, PopDev Coordinator at Ms. Michelle I. Piezas, Project Evaluation Officer-1.

Maraming Salamat din sa pag papaunlak ni Eng'r. Juvy R. Ragas ang ating MPDO sa pag babahagi niya ng Socio-Demographic Situational Background ng ating munting bayan.

Kay Ms. Sweet Faith F. Ferrancol sa pag kalalap ng pondo upang maipa sweldo sa mga Government Internship Program (GIP) na gaganap bilang mga Enumerators.

Sa mga Kapitan at mga Brgy. Secretaries ng tatlong Barangay na buong husay na sumusuporta sa programa, at lalo higit sa ating Municipal Administrator Kris Anne Laganapan Pesigan na walang hangad kundi ang maisakatupan ang mga importantanteng programa na mag susulong sa pag unlad ng ating bayan.

Salamat din sa ating Nurse at Deg. Local Population Officer at Kay Ms. Myline Javier- DILG staff sa pag papadaloy ng programa.

Muli Maraming Salamat po at Mabuhay Ang Bayan ng Kalayaan.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan