NEWS
  • 19 Oct, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

RIBBON CUTTING CEREMONY NG BARANGAY LONGOS-SAN JUAN ACCESS ROAD

Oktubre 17, 2023

RIBBON CUTTING CEREMONY NG BARANGAY LONGOS-SAN JUAN ACCESS ROAD

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay isinagawa ang pasinaya at Ribbon Cutting Ceremony ng Barangay Longos-San Juan Access Road. Ang proyektong ito ay mula sa pondo ng FY 2022 Seal of Good Local Governance-Incentives Fund (SGLG-IF) na nagkakahalaga ng ₱ 4.999.928.37

Tunay na napakapalad ng Bayan ng Kalayaan dahil sa mga proyektong katulad nito.

Pagpapatunay lamang ito na ang bayan ng kalayaan ay patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan at lingkod bayan.

Muli ay taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice Mayor Christopher Ramiro at bumubuo ng Sangguniang Bayan Members,Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan,Punong Departamento at mga kawani ng ating Pamahalaang Lokal.

Gayundin sa naging kabahagi ng programang ito mula sa nasyonal na pamahalaan G. Ariel O. Iglesia Regional Director DILG IV-A, INH. John M. Cerezo- Provincial Director (DILG Laguna), G. Juan Paolo S. Brosas- MLGOO- Magdalena,Laguna, Bb. Ma. Aurora A. Robles (MLGOO-Kalayaan,Laguna.

Muli,Maraming salamat po.

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan