NEWS
  • 02 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"RIBBON CUTTING CEREMONY OF THE INSTALLED 9.12 KILOWATT- PEAK SOLAR HYBRID SYSTEM SA SITIO MAGALOLON ELEMENTARY SCHOOL"

April 25, 2024

"RIBBON CUTTING CEREMONY OF THE INSTALLED 9.12 KILOWATT- PEAK SOLAR HYBRID SYSTEM SA SITIO MAGALOLON ELEMENTARY SCHOOL"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Personal na nagtungo ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice-Mayor Christopher Ramiro upang daluhan ang isang Ribbon Cutting Ceremony of the Installed 9.12-kilowatt-Peak Solar Hybrid System sa Sitio Magalolon Elementary School.

Ang mga solar panel na ito ay inaasahang makapagpapababa ng binabayarang kuryente sa Sitio Magalolon Elementary School. Ito na rin ang pagmumulan ng pailaw sa mga silid ng paaralan at magpapatakbo ng patubig dito. Ang programang ito ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanyang Giga Ace 6, isang kumpanyang kilala sa paghahasa ng renewable energy.

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod sa mga dumalo sa pagtitipong ito unang una sa GIGA ACE 6 na syang nagbigay katuparan sa proyektong ito, gayun din kay kapitana Normita Asedillo, ABC President Giana Maria Rabin Cagandahan at sa kanilang kasamahan sa paglilikuran, at sa ating Deped Supervisor Dr.Bernon Abellera at sa lahat ng naging kabahagi ng programang ito.

Muli maraming salamat po!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan