NEWS
  • 13 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL MOVING UP CEREMONY 2023 TEMA: K TO 12 GRADUATES: MOLDED THROUGH A RESILIENT EDUCATIONAL FOUNDATION

Hulyo 13,2023

SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL MOVING UP CEREMONY 2023

TEMA: K TO 12 GRADUATES: MOLDED THROUGH A RESILIENT EDUCATIONAL FOUNDATION

Bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ay personal pong muli na tinungo ng ating Sectoral Officer Angelito Presoris ang pagbibigay ng mensahe ng pagtatapos para sa ating mga mag-aaral ng San Juan National High School.

Sa inyong mga magsisipagtapos,nagsikap kayong mabuti upang marating ang espesyal na araw na ito.Lahat ng inyong natutunan ay magagamit ninyo sa hinaharap. Nagsisimula pa lamang ang inyong mga buhay na magbubukas sa marami pang pagkakataon para kayo ay umunlad sa iba't ibang larangan.

Sa panibagong yugto ng inyong buhay, sa mga bagong hamon na inyong haharapin, sa panibagong pamayanan na inyong pakikisamahan, sa mga bagong kaibigan na inyong makikilala, lalo't higit sa mga bagong karunungang inyong makukuha, nawa'y lagi ninyong isa puso ang tema ng inyong pagtatapos na: K to 12 Graduates: Molded through a Resilient Educational Foundation.

Magiging matatag kayo palagi sa landas ng inyong tatahakin. Hindi madali ang buhay. Maraming pagsubok ang inyong pagdaranasan. Ngunit ang inyong apat na taong pananatili sa inyong mahal na paaralang San Juan National High School, ang mga guro kamag-aral, mga magulang at ang mga kaalamang inyong natutunan, ay ang inyong magiging sandata upang mapagtagumpayan ang hinaharap sapagka't kayo ay hinubog ng isang matatag na edukasyon!

Muli, binabati ko kayo sa inyong matagumpay na pagtatapos at sa marami pang tagumpay na darating sa inyong buhay!

Pasasalamat din sa ating District Supervisor Dr. Bernon Abellera Principal IV Jannette D. De Leon mga guro ng paaralan ng San Juan National High School.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan