NEWS
  • 19 Feb, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"SANDUGO AWARD"

February 13, 2024

"SANDUGO AWARD"

Ipinagkaloob ng Regional Health Office Calabarzon 4A"

Isang mapagpalang araw,minamahal long Kalayaeños!

Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang ating pong munting bayan sa pamamahala ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kaagapay si Vice-Mayor Christopher Ramiro at SB on Health Kon. Darwin R. Ponce at sa pag gabay ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay isa sa awardee ng SANDUGO Award, na ipinag kakaloob ng Regional Health Office CALABARZON 4A, Noong Pebrero 08, 2024, na ginanap sa Crimson Hotel, Alabang, Muntinlupa

Ang pagkilala pong ito ay pasasalamat sa mga bayaning Kalayaeños na buluntaryong nag bibigay o nag dodonate ng kanilang dugo para pang dugtong sa buhay ng ating mga kababayan na nangangailangan ng dugo.

Kung kaya't lubos ang pasasalamat ko sa tanggapan ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dra. Rica P. Pamatmat sa pag susulong ng programang ito at sa 1% porsyento ng kabuuang populasyon na regular na nag-aalay ng kanilang mga dugo, para sa kapwa nila Kalayaeños.

Muli ang aking walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan