NEWS
  • 25 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"Screening Rate sa taong 2022 para sa sakit na Tuberculosis.

Agosto 22,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ang inyo pong lingcod Mayor Sandy Laganapan,kasama ating Vice Mayor Christopher Ramiro at ang Sangguniang Bayan ay lubos na bumabati at nagagalak sa pagkilalang natanggap ng ating bayan sa buong CALABARZON sa ilalim ng kategoryang mas mababa sa limangpung libong populasyon, bilang ng may pinaka mataas na "Screening Rate sa taong 2022 para sa sakit na Tuberculosis.

Kung kaya't nais kong pasalamatan ang Laguna Provincial Health Office ,lalo't higit ang URC,USAID at PBSP ang mga NGOs na naglaan ng pondo upang masugpo ang sakit na TB.

Kung kaya't ang inyong lingkod ay nanawagan sa aking mga kababayan na makipagbayanihan sa sakit na TB ay tuldukan.

Ugaliing komunsulta sa pinaka malapit ma health center,kung may ubong higit na sa dalawang linggo,na hindi gumagaling kahit na ginamot na ng antibiotic.

Paalala ang TB ay makahawa ngunit libre at madaling gamutin sa mga health center.Patibayin ang dibdib,magpa X-ray at mag-pasuri ng plema.

Tandaan ang pamilyang may Tibay ng Dibdib ay Maginhawa.

Muli,ang pagbati sa Rhu Kalayaan Laguna sa kanilang kasipagan at malasakit nila To End TB.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan