SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE (SGLG) NATIONAL VALIDATION 2023
Septyembre 20,2023
SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE (SGLG) NATIONAL VALIDATION 2023
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Muling isinagawa kahapon, ika-19 ng Septyembre 2023 ang Seal of Good Local Governance National Validation (SGLG) ng Bayan ng Kalayaan na kung saan ang naging National Validator ay mula sa MIMAROFA,LGMED ADC Atty. Erika Mae U. Gumabol.
Upang makilala ang Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan sa larangan ng katapatan at kahusayan, Sa ilalim ng SGLG malalim na sinusuri ang sampung (10) governance areas ng LGU para sa taong 2023 na kung saan kabilang dito ang mga sumusunod;
Financial Administration And Sustainability
Social Protection And Sensitivity
Safety, Peace And Order
Sustainable Education
Health Compliance And Responsiveness
Disaster Preparedness
Environmental Management
Business-Friendliness And Competitiveness
Tourism,Heritage Development,Culture And
Arts
Youth Development
Naniniwala ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapankasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Christopher Ramiro , Pambayang Administrador Kris Anne L. Pesigan,mga Punong Departamento,Punong Barangay at mga kawani mapa nasyonal at lokal na patuloy na uunlad at tataas ang antas ng ating Bayan sa tulong ng mga programa at pamamalakad na magpapalakas ng "Serbisyong may Malasakit" para sa mga mamamayan ng Kalayaan.
Hangad po natin na sa dulo ng balidasyon ay muli nating makamit ang tagumpay para sa ating bayan.
Mabuhay ang Bayan mg Kalayaan!
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may
Malasakit"