NEWS
  • 14 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE" SUB REGIONAL ASSESSMENT

Hunyo 14, 2024

"SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE"

SUB REGIONAL ASSESSMENT

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Nitong nakaraang ika-11 ng Hunyo naganap ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Sub-Regional Assessment sa ating pamahalaang bayan.

Taospuso ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sanguniang Bayan Members sa Pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa masisipag na bumubuo ng Assessment Team na nagmula pa sa iba't ibang munisipalidad sa ating lalawigan na pinangunahan ni MLGOO VII Maria Lorilyn V. Manrique at kanyang mga kasamahan. Lubos din ang pasasalamat at pag hanga ng inyong lingkod sa kagalingat at dedikasyon na ipinamalas ng bawat punong departamento at kanilang mga kasamahan upang muli tayong makapasa sa assessment na ito.

Nawa ay muli nating makamit ang matamis na tagumpay na ito sa ika-6 na pagkakataon, dahil hindi lamang karangalan ang dulot nito sa ating bayan, malaki din ang maitutulong ng insentibong ating natatanggap mula sa parangal na ito na nakalaan naman upang mas madami pang proyekto ang maisagawa dito sa ating minamahal na Bayan ng Kalayaan .

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan