NEWS
  • 01 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE SUB-REGIONAL ASSESSMENT TEAM (RAT) 2023

May 29,2023

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE SUB-REGIONAL ASSESSMENT TEAM (RAT) 2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Muling isinagawa ngayong araw, ika- 29 ng Mayo 2023 ang validation para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Bayan ng Kalayaan,sa pangunguna ng SGLG Sub-Regional Assessment Team.

Ang SGLG ay nagpapakita ng pagkilala sa mabuting pangangasiwa ng mga Pamahalaang Lokal sa ibat-ibang aspeto ng paglilingkod katulad ng pananalapi at mga proyekto na direktang naipapaabot sa ating mga mamamayan. Ito ay isa sa mga pinakamimithing parangal ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Nawa ay muli nating makamit ang prestihiyosong karangalan para sa Lokal na Pamahalaan ng Kalayaan.

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa pagsusumikap at sakripisyo ng mga kawani mapa nasyonal at lokal sa naganap na SGLG Sub-Regional Assessment.

Mabuhay ang Bayan ng Kalayaan!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan