"Serbisyong Pangkagalingan Panlipunan" at Serbisyong Pangkarunungan" LIBRENG SCHOOL SUPPLIES 2023 (SEASON 4) BAYANIHAN PARA SA MATATAG NA PAARALAN NATIONAL CHILDREN'S MONTH BENEPISYARYO: SITIO PULOT/BAE ELEMENTARY SCHOOL
Nobyembre 21, 2023
"Serbisyong Pangkagalingan Panlipunan" at Serbisyong Pangkarunungan"
LIBRENG SCHOOL SUPPLIES 2023 (SEASON 4)
BAYANIHAN PARA SA MATATAG NA PAARALAN
NATIONAL CHILDREN'S MONTH
BENEPISYARYO: SITIO PULOT/BAE ELEMENTARY SCHOOL
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Bilang pagdiriwang at pakikiisa sa National Children's Month ay masigasig na naihandog ng ating buong-pusong paglilingkod at naiukit ang ngiti sa labi ng mga piling mag- aaral ang pagbibigay ng Libreng School Supplies ngayong araw. Layunin ng programang ito na mabigyang pagpapahalaga ang edukasyon at sa pamamagitan nito ay mapabuti ang kinabukasan ng bawat isang batang nangangarap na makapag-aral.
Ang mga naging benipisyaryo ng programang ito ay nagmula sa ating mga mahuhusay at masisipag na guro, sapagkat sila ang mas higit na nakakakilala sa kanilang mga mag-aaral na may mas higit na pangangailangan.
Mananatili na katuwang ang inyong lingkod sa pagtupad ng inyong mga pangarap,Maglulunsad ng mga programa at proyekto para sa magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral na nagsusumikap.
Muli't muli ang aking pasasalamat sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa pagsusumikap na maisagawa ang matagumpay na programang ito,Gayundin sa ating Sectoral Officer Angelito Q. Presoris, District Supervisor Dr. Bernon Abellera mga Punongguro at guro ng bawat paaralan ng Kalayaan at sa lahat ng mga naging bahagi at kaiisa ng programang ito.
Maraming salamat po.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"