SERBISYONG PANGKALUSUGAN
SERBISYONG PANGKALUSUGAN
Kahapon Hulyo 15, 2022 ang ating Pamahalaang Tagapangasiwa sa Kalusugan sa pangunguna ni Dr. Rica Pamatmat ay nagsawa ng iba't ibang aktibidades sa kabila ng pansamantalang pag kaantala ng serbisyong pangkalusugan sa Municipal Health Office sa kadahilanang pag didisinpeksyon ng opisina.
Una po na rito ang libreng Tuli sa Brgy. San Antonio. Muling pasasalamat sa CBK Power Company Ltd. sa pagbibigay suporta sa mga gawain sa ating Bayan.
Ang buwanang "ALab sa Puso at Diabetic Screening, Monitoring & Treatment" ay isinagawa naman sa Barangay San Juan.
Nag karoon din ng emergency delivery sa Brgy. San Juan, sa kadahilang ang BEMONC facility ay sumailaim sa disinfection.
Kung kaya't ang inyong lingkod kasama ang Sangguniang Bayan ay lubos pong nagpapasalamat sa MHO family at iba pang sangay nito sa dedikasyon at determinasyon na inyong pinapakita upang patuloy na maihatid ang serbisyong para sa lahat sa ating mga kababayan.
Muli, maraming maraming salamat po sa inyo. Laging tandaan na ingatan ang sarili, lalo't higit ang ating mga mahal sa buhay.
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"