"SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT PANGKAGALINGAN" NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK
Hulyo 15,2023
"SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT PANGKAGALINGAN"
NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK
Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!
Kahapon ika-14 ng Hulyo, Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan , kasama si Vice-Mayor Christopher P. Ramiro at ang Sangguniang Bayan ay nag daos ng "National Disability Prevention and Rehabilitation Week" sa pangunguna nina Dr. Rica P. Pamatmat ating MHO at Gng. Aime A. Magana na ating MSWDO, sa pakikipag ugnayan ni Gng. Edelane R. Acueza ang ating Nurse kasama na ang iba pang Staff.
Nakiisa rin a ng RHO-4 sa pangunguna ni Ma'am Eds Santiago -Abit and Ma'am Geraldine Estrabo, na Isa po sa ating major sponsor at Ang CBK sa pangunguna ni Ma'am Maricris -Ann Alcausin Himoc na nag donate po ng mga assistive devices para sa mga PWD na nangangailangan nito.
Buong galak ko pong ipinag mamalaki na lubos pong nasiyahan Ang RHO-4 sa ipinamalas nating serbisyo sa mga PWD katulad ng libreng;
1 Hearing test
2 Dental Services by Dr. Janette Flores
3 Medical Consultation by Dr. Carmencita V. Balubayan
4. Atty. Magi S. Magana sa pag papa alam ng mga benepisyo at karapatan ng mga PWD
5. Dr. Rica P. Pamatmat sa issuance ng Medical Certificate para sa mga PWD
6. Libreng assistive devices mula sa CBK at RHO-4
7. Physical Therapy by Miss Jem Dinglasan Ramos
Tunay na one stop shop ang hatid ng Serbisyong Para sa Lahat sa mga PWD ng ating bayan.
Dahil sa Kalayaan ay walang maiiwan, lahat ay may nakalaan serbisyo ayon sa pangangailangan.
Salamat din sa ating Municipal Administrator Gng. Kris Anne L. Pesigan sa patuloy na pag-sasaayos at pag-papadaloy ng mga programang para sa Kalayaeños.
Maraming Salamat po.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"