NEWS
  • 25 Apr, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Serbisyong Pangkalusugan: Medical and Dental Mission

April 17, 2023

Isang mapag palang araw po sa ating lahat, mula sa inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama si Vice-Mayor Christopher Ramiro at ang bumubuo ng Sanguniang Bayan.

Malugod ko pong ipinababatid sa inyo mga minamahal kong mga kababayan na tuloy na po ang ating Medical at Dental mission, sa Abril 20, 2023, araw ng Huwebes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon at ito ay gaganapin sa Gymnasium ng Barangay San Antonio.

Marami pong serbisyong pang kalusugan ang ihahatid ng ating Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Rica P. Pamatmat , kaakibat ang DOH, POPCOM-Clinical at CBK Power Company Ltd.

Lagi nyo pong tatandaan na ang Kalusugan ay mahalaga, kaya huwag balewalain.

Muli, maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan