NEWS
  • 08 Aug, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"SERBISYONG TAMA CARAVAN"

Agosto 02, 2024

"SERBISYONG TAMA CARAVAN"

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Naging matagumpay ang isinagawang Serbisyong Tama Caravan ngayong araw dito sa Bayan ng Kalayaan.

Dinala at ipinagkaloob ng ating Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng ating minamahal at iginagalang na Gobernador Gov. Ramil L. Hernandez at ng kanyang butihing may bahay Gobernadora Ruth Mariano Hernandez

Ang aking taos pusong pasasalamat sa suportang ibinigay sa aming Bayan, ang Bayan ng Kalayaan at higit sa lahat sa mga naging bahagi upang maisagawa ng matiwasay at matagumpay ang programang ito.

Gayundin ang aking lubos na pasasalamat sa mga nagpunta, nakiisa at nabigyan ng serbisyong nakatulong sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan