NEWS
  • 15 Dec, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

SGLG NATIONAL AWARD 2023 MATINO,MAHUSAY AT TAPAT NA PAMAMAHALA

Disyembre 15, 2023

CONGRATULATIONS BAYAN NG KALAYAAN!

SGLG NATIONAL AWARD 2023🏆🏆

MATINO,MAHUSAY AT TAPAT NA PAMAMAHALA

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Bago magtapos ang taon,muling iginawad sa Bayan ng Kalayaan ang natatanging pagkilala sa husay ng pamumuno sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Award.

Ang SGLG ay prestihiyosong parangal na naglalarawan ng matino,mahusay at maaasahang pamamahala sa ating lokal na pamahalaan.

Ang parangal na ito ay pormal na tinanggap ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice- Mayor Christopher Ramiro mga Punong Departamento at sa tulong at dedikasyon ng ating MLGOO Ma. Aurora A. Robles.

Mabuhay ang Bayan ng Kalayaan!

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan