NEWS
  • 11 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

SITIO KALAYAAN ORAL EXAMINATION AT NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM

APRIL 11, 2024

SITIO KALAYAAN

ORAL EXAMINATION AT NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Mahalaga ang tamang oral hygiene sa pagkakaroon ng wastong nutrisyon. Oral health, importante yan! Para makakain ng masustansya at masarap, dapat malusog din ang ipin! 🦷

😃 Tips on Oral Health Para Maka Eat Right:

🪥 Brush, brush, brush ng dalawang minuto, 2-3 times a day

Mag-toothbrush pagkagising at bago matulog! Up, down. Left, right. Ikot-ikot para bacteria at germs ay bye-bye!

👍Siguraduhing fluoride toothpaste ang gamitin, kontra tooth decay at pampatibay ng ngipin!

🚰 Drink your water, bhie

Dapat 6-8 na baso araw-araw para iwas dry mouth.

🚫 Bawasan ang matatamis! Sariwang pagkain ang ihain!

Para staying strong ang ngipin, beh!

👨‍⚕️ Regular na check-up sa dentista every 6 months

Para ma-tsek kung may dapat bang linisin at ayusin sa ngipin, para oral health ay pak na pak!

Pak na oral health para tuloy tuloy ang pag ngiti at #MoveMoreEatRight for a #HealthyPilipinas 💚Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa oral health at kung paano makakamit ang oral health services, puntahan lamang ang link na ito: https://bit.ly/OHMonthFAQs

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice- Mayor Christopher Ramiro,Sangguniang Bayan Members at ng ating Pambayang Adminitrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa ating Municipal Dentist Dr. Janette Flores at sa kanyang mga kasamahan. Asahan po ninyo na ating pang ipag papatuloy at mas papalawakin ang mga serbisyong tulad nito upang mas mapangalagaan ang dental health ng bawat isa.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan