NEWS
  • 16 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Sustainable Livelihood Program (SLP).

May 15, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Sa atas ng inyong Lingkod, malugod na binigyan ng mainit na pagtanggap nina EA ll / Sectoral Officer G. Angelito Presoris at ni PS l Gng. Helen Azul ang mga kinatawan ng DSWD Regional Office na nagsasagawa ngayon sa ating bayan ng validation para sa mga possible beneficiaries ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).

Layunin ng programang ito na mabigyan ng panimulang puhunan ang ating mga kababayan mula sa iba't-ibang sektor upang mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay. Sa mga programang ito, katuwang po ng Tanggapang ng Punongbayan ang DSWD Regional Office, MSWDO sa pangunguna ni Gng. Aime Magana at ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna.

Patuloy po ang pag suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Bb. Kris Anne Laganapan Pesigan sa programang makakatulong na maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mahal na Kalayaeños.

Maraming salamat po!

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan